イメージ

HOME > Pagpapakilala ng lungsod ng Ushu para sa mga mamayang day Ohan > RYUEN

Ryu-en

PAG-UULAT SA PAGSISIYASAT AT PANANALIKSIK SA DRAGON GARDEN (RYUEN)

 Grupo: TARO-KUN
  Inulat ni Agent M.
  Isinalin at Pinaganda ni Agent B
  Kinumpirma ni Agent K
  Pangalawang Pagkumpirma ni Agent H

   龍園  龍園

!. Pagpapahayag
Ang Ryuen po ay pinaksikat at kilalang restawran di lamang sa mga taong nagbabakasyon na galing pa sa Tokyo kundi sikat at kilala rin ito dito sa Iwate. Ang lahat ay iisa lamang ang minimithi kung napapagawi sa Iwate , kundi po makatikim ng karneng baka na kung tawagin ay MAESAWA-GYU. Sa hindi pa pong nakakaalam na ang salitang "gyu"sa tagalog ay karneng baka. Ang Maesawa beef ay isa sa pinakamahal at kilalang karneng baka dito sa Iwate. At humahanay siya sa Karneng baka ng Kobe o Kobe Beef at Matsuzaka-gyu na na kilalang high quality branded beef ng Japan. Hindi lamang po ang pagtikim ng lokal na pagkain ng Iwate, kung di rin po ang makapasyal at malibot ang kagandahan ng kalikasan dito sa Iwate. Sa mga baguhan na bumusita sa loob ng restawran na ito, ang lahat ay magugulat dahil sa sobrang usok at medyo may kaliitan ang lugar ngunit pag nasa loob na kayo at maumpisahang serbisyuhan nang pagkain ng mga waiter at waitress ay hahanga po kayo sa bilis ng kanilang pag aasikaso sa inyo pong mga orders. Malilimutan ninyo ang impresyong "maliit naman dito" o kaya naman "masikip naman dito"



   龍園  龍園

Iminumungkahi namin ang mga sumusunod
Special Roast (Beef)
・hindi mahal kahit Maeswa-gyu pa siya. makapal ang hiwa na parang diksyunaryo. di matigas ang karne,malasa at makatas.
Spare Ribs (Pork)
・ubod ng dami sa murang halaga. malalaki ang hiwa at kailangang gumamit ng gunting upang maputol ito. feel mo ikaw si Johnny Depp sa pelikulang Edward Scissors.

Subukan po ninyo ito
Lengua o Dila
・may nag bigay ng comment sa isang member na ngayon lang siya nakatikim ng dila na napakasarap at ito raw ay di niya malilimutan sa kanyang buhay.

Maaaring di ninyo na kailangan
Kanin (rice)
・Sa dami ng nakaing karne ay di na po kailangan ang kanin.
・Kung kulang pa at may lugar pang paglalagyan,bakit di subukang umorder ng REIMEN.


取材メンバー 阿部長祥(日本)・小澤英史(日本)
ケビンプライス(アメリカ)・ビルルイス(アメリカ)
営業日/営業時間 月~土◎17:30~22:30(ラストオーダー21:30)
日曜、年末年始、GW、お盆◎17:00~21:45(ラストオーダー21:00)
※ラストオーダーの時間は都合次第で変更あり
定休日 不定休(月2回)
住所 岩手県奥州市水沢区袋町2-11
電話番号 0197-24-4838
アクセス JR水沢駅から徒歩5分