イメージ

HOME > Pagpapakilala ng lungsod ng Ushu para sa mga mamayang day Ohan > RAIMU-KUN

Raimu-kun

SANCHOKU-RAIMKUN

来夢くんNuong Oktubre a uno taong 2012 ay mayroon pong binuksan na malaking pamilihang pang publiko dito po sa syudad ng Oshu. Ito po ay ang RAIM-KUN na matatagpuan sa Mizusawa ward. Sa loob po nito ay ating maoobserbahan ang mataas na kisame na sinasakupan nito ang maluwag at malawak na pamilihan. Ang RAIM-KUN ay kinikilalang ligtas sa pagbebenta ng mga pagkain tulad ng mga gulay,isda at karne. Sinisigurado po ng RAIMKUN ang sapat na kaligtasan ng pangkalusuhan pampubliko. Ang mga paninda po rito ay dumaraan sa istriktong pagsusuri kung ito po ay ginamitan ng mga matatapang na gamot pang Agrikultura. Kaya naman ang mga pangunahing paninda ay nilalahukan ng mga lokal na magsasaka, mga manggugulay at yung pong lokal na mangingisda sa HIROTAWANSAN po nanggagaling ang sariwang isda at mga pagkaing dagat na mabibili po natin sa RAIMKUN. Huwag din po nating kalilimutan na makakabili rin po tayo ng karneng baka na kilala po sa pangalang MAESAWA-GYU o MAESWA BEEF. Para po sa kaalaman ng lhat ang Maesawagyu ay isa sa mga branded beef ng Japan dahil sa taas ng qualidad ng lasa at tekstura ng karne at ito ay napakasarap. Sa loob po ng pamilihang ito ay ating matatagpuan na may pamilihang galing sa Nambutekki at mga halaman at bulaklak na ayon po sa panahon.

来夢くん Sa loob po nito ay may malaking restawran na kung saan ang mga ginagamit na sanglkap ay yung pong mga inaning gulay dito po sa lugar ng Oshu.>
Halimbawa ang:>
1.) Sanchoku yasai curry - 480 yen>
2.) Yasaiten Soba-Udon- 650yen>
3.) Gatsumi Soba-Udon- 500yen>
4.) A Lunch menue/B Lunch menue na may kasama na pong kanin.salad at sabaw na ang halaga ay depende po sa panahon ng mga gulay.

来夢くん Sa tabi po ng restawran ay may panaderya po na ang mga tinapay ay gawa sa harina ng bigas. ay may roon po silang ice cream stand na nagbebenta ng soft cream na ang gamit po nilang gatas ay MOOCHAN MILK na napakasarap, puro at malinamnam. Dito po sa RAIMKUN hindi lamang ang mga paninda na galing mula sa farm o ang restwaran kungdi mayroon pa po silang pasilidad, halimbawa po mayroon silang vynil house na napakalaki na matatagpuan sa labas ng Raimkun, ito po yung house ng taniman ng strawberries na puede pong pumitas simula sa katapusan ng enero hanggang sa simula ng Hunyo. Ang mga paninda dito sa Raimkun tulad ng mga gulay,karne,itlog, at prutas ay makakakuha po tayo ng mga libreng recipe leaflets po nito.Hindi lamang ang pamimili o pagkain ang hatid ng pamilihang ito na meron din po silang munting kasiyahan pang publiko na bata man o matatanda ay siguradong masisiyahan.Talagang kakaiba itong pamilihang bayan ng RAIMKUN.


Mga kasapi Mebuki Sakamoto- Hapon
Merisela Sugawara- Kenya
Ofelia Takahashi- Pilipinas
Yuki Miura- Hapon
Oras ng pagbubukas ng lugar 9:00-18:00
Sa panahon ng Tag-lamig Enero-Marso hanggang 17:00
Sarado tuwing ikalawa ng MIYERKULES buwan buwan.
Lugar Oshu City,Mizusawa ward
Telepono 0197-26-4141
Access Kung gamit po ay sasakyan mula JR Mizusawa Staion ay higit kumulang ng 10 minuto.