イメージ

HOME > Pagpapakilala ng lungsod ng Ushu para sa mga mamayang day Ohan > JAMI-KAN

Pagpapakilala ng lungsod ng Ushu para sa mga mamayang day Ohan

JAMI-KAN

Dito po sa Oshu ay ikinalulugod po naming ilathala ang paglulunsad ng Oshu City Multilingual Website na kung saan ang mga dayuhan na naninirahan dito ay sumusuporta sa pag papakilala sa mga katangian ng lungsod ng Oshu. Ang website pong ito ang magbibigay daan na maipakilala ng mga dayuhan dito sa Oshu sa kanilang pamilya at kaibigan ang mga iba't ibang pagbabago dito sa Oshu at mga bagay na maaring maghikayat ng interest pangturismo. Kami pong grupo ng mga kababaihan dito sa Oshu noong nakaraan Oktubre a diez ay nagsagawa po kami ng pagsisiyasat sa isang restawran na ang pangalan ay JAMAIKAN.

jyamaican Ito po ay isang ethnic restaurant na kung saan makakakain po tayo ng Jamaican at Indenesian Curry na hinaluan ng mga iba't ibang sangkap na kakaiba kumpara sa curry na ating niluluto sa ating mga tahanan. Kaya po naman kami ay bumisita sa JAMAIKAN kasama po ang isa nating kaibigan na taga Indenesia na si Ramesan at ang iba pa pong member na interesadong malaman ang lasa at luto dito sa restwarang ito. Bumisita po kami duon upang mananghalian.

Sa loob po ng restawran ay ating makikita ang bandila ng Jamaica, babasahin mula mula rin sa Jamaica, mga larawan na naka display po at mga malilit na display na hindi mabilang sa dami. Na talaga po namang nagpapakilala at nagbibigay inspirasyon sa mga bisitang kumakain po rito. May karagdagan pa po iyan ang tatami rooms, mga lamesa at counter ay maluwag at may mga upuan at may roon pa po silang maliit na hardin sa loob ng restawran na talaga namang nakakapagrelax lahat.

jyamaican Ang grupo po namin ay kumain ng JAC-CHICKEN, hindi pa po kasama dito ang kanin na nagkakahalaga ng \1,000, AKI-NO-TOMATO na nagkakahalaga ng 780yen, LUNCH CURRY na may kasamang salad at inumin ay 880yen ito ay tuwing Sabado't Linngo at Nationak Holidays. Kung ordinaryong araw ay 800yen lamang po. Kahit ano pa pong lutuin dito sa restawran na ito, ang lasa ay talaga po namang binagay sa panlasa ng mga hapon. Kahit di kadalasan iniluluto sa kanya kanyang tahanan, ito ay madaling magustuhan ng mga hapon.

Nagpapasalamat po kami ng marami dahil sa kabila ng pagiging abala masyado ng restawran, kami ay kanilang pinaunlakan na makapanayam namin sila. Napag alaman namin na ang may ari ng restawran na ito ay mahilig kumain at paborito ang curry, kaya dito po nagsimula ang idea na magtayo ng restawran at ito na nga po ang JAMAIKAN na hango po sa orihinal na restawran sa JAMAICA.

jyamaican Binuksan ang kauna unahang restawran na ito na may labing limang taon na ang nakakaraan at ang unang restawran ay nasa tabi po ng ISAWA Hospital. Sa paglipas po ng ika sampung taon itinayo ulit ang restawran sa may MIYASHI TACHOU TEH. At buong pinag mamalaki nila ang pagsikat at mabiling mabili na JACK-CHICKEN at JACK-PORK na napakasarap. Ang mga gamit na sangkap sa restawrang ito ay ayon po sa panahon. At ito ay sarili nilang tanim o supply po ng lokal na nagtatanim o mga magsasaka.

Sa lungsod ng Oshu na kahit napo medyo nasa lugar ng probinsya, sa restawrang ito ay makakaramdam ka pa rin na ikaw ay nasa ibang bansa. Kaya naman po kaming grupo ng mga kababaihan na nabigyan ng pagkakataong makapanayam ang may ari at magpalitan ng kuro-kuro tungkol sa pamumuhay sa Japan tulad ng pag papalaki at pag aalaga ng mga anak at ang partisipasyon sa lokal na komunidad. Ang karanasan pong ito ay aming papahalagahan at kami po ay nagpapasalamat sa pagkakataong ibinigay sa amin. Maraming marami pong salamat.


Mga kasapi

Latana Ambai- Indonesia

Usho- Tsina

Mei Takahashi- Thailand

Pak Sonhi- Korea

Oras ng pagbubukas ng restawran 11:30~22:00
Sarado tuwing Lunes
Lugar Oshu City, Mizusawa ward, Miyashita-chou
Telepono 0197-25-2555
Access Sampung minutong paglalakad mula sa JR Mizusawa Station.